The Enlightened Love of Darkness
Sa mundong nababalot ng hiwaga, kung saan mayroong mga nilalang na hindi natin maiisip na nabubuhay pala. Ang mahiwagang mundong hinati sa liwanag at dilim. Upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa pagitan ng dalawang palasyo : White Castle at The Black, tradisyon ang isang kasal sa pagitan ng liwanag at dilim. Ang kasal na yun ay sa pagitan ni Reyna Bev at Haring Charlie ang tumupad ng tradisyon.
Ngunit….Sa mundo ng Holly-Holly-Hole…
SCENE 1
White Castle…
SONG: On the Floor (J.Lo ft. Pitbull)
:Lalalalalalalala!!!
King Charlie: Lalayas na ako dito!
(bulungan ang lahat…)
Man1: Lalayas daw…
Man2: Lalayas daw at may kalaguyo…
Man3: Lalayas daw at nakabuntis…
Reyna Bev: Ngunit mahal, hindi maaari…
King Charlie: Ayoko na! I want a divorce..!
(shock ang lahat… iiyak ang Reyna)
Nanay ni Bev: Wag kang mag-emote dyan, wala namang divorce dito..
(papahirin ng Reyna ang luha…)
Reyna Bev: Oo nga ‘no…
Fortune Teller(Raymond): Masamang pangitain. Masisira ang balanse ng Holly-Holly-Hole. Sa ika-isandaang taon pa ang susunod na pagsasanib ng liwanag at dilim…
King Charlie: Bahala kayo… Bahala….Kayo….. Ba…Ha…La…Ka…Yo…
(Kakainin ng kadiliman)
SCENE 2
Fortune Teller(Raymond): Kailangang maibalik ang balanse sa pagitan ng liwanag at dilim
Reyna Bev: Pero paano po?
Raymond: Maaari nating ipakasal ang anak mong si Prinsesa Nica sa anak ng kaibigan ng pinsan ng anak ng kapatid ng tatay ng asawa mo..
Princess: Pero may mahal akong iba. Ayokong magpakasal sa anak ng kaibigan ng pinsan ng anak ng kapatid ng tatay ni Ama.
Reyna Bev: Ngunit iyon lang ang paraan. Masakit pa rin sa akin ang ginawa ng ama mo.. (Heart Broken Song Please! Up to chorus lang) Kailangan mong magpakasal sa anak ng kaibigan ng pinsan ng anak ng kapatid ng tatay ng iyong Ama.
Raymond: Ikaw naman ang maninirahan sa palasyong The Black. Kabaligtaran sa iyong ama. Anumang sandal ay maaari na silang dumating upang kunin ka ng anak ng kaibigan ng pinsan ng anak ng kapatid ng tatay ng iyong Ama. Nababahala na rin sila sa hindi balanseng kaganapan sa Holly-Holly-Hole.
(Umiiling na aalis ang prinsesa..umiiyak.. Makikipagkita kay Miko, isang heneral ng White Castle na nobyo ng Prinsesa..)
Princess: Ayokong magpakasal sa kanya. Ikaw ang mahal ko..
Miko: Naiintindihan kita. At mahal din kita. Pero kailangang sundin ang batas.
Princess: Kung ganoon ipaglaban mo ako. Magtanan tayo..
Miko: Gustuhin ko man, pero hindi iyon ang nasa script. Iba! Iba ang nakalagay!
SONG: Bring Me To Life (Evanescence. Up to chorus)
Last line of song: Bring me to….(lalabas ang kurtina ng darkness w/c is red)life…
Scene 3
The Black
(Biglang lilitaw ang mga fairies: Ann, Mariel, Angelica)
Fairies in Chorus: Hello!!!
Princess: Sino kayo?
Ann: Kami…(**bubungguin ang balikat ng prinsesang sariling balikat)
Mariel: Ang mga guardian…(repeat **)
Angelica: Mo..(repeat**)
(Mapapangiwi ang prinsesa. Maaalala ang iniwang nobyo. Buntong hininga at malulungkot..)
Angelica: Alam naming kung bakit ka malungkot.
Prinsesa: Ayoko dito. (Dadating ang mga guards of darkness: Jess, Russel at Clarence)
Guards in Chorus: Maligayang pagdating Kamahalan (Magpupugay) Kanina pa kayo hinihintay ng aming Prinsipe. (Lalong malulungkot ang prinsesa…)
SONG: Marry the Night (Lady Gaga. Up to Chorus then bridge)
Ann: Don’t worry… Ayaw din naman ng prinsipe sa ideyang ito. Kaya nga walang kasalang magaganap eh. Simpleng pagdiriwang lang para sa pagdating mo.
Mariel: Ang kailangan lang naman ay isang liwanag na sasanib sa dilim at vice versa..
Princess: Ganoon? Pinag-emote niyo pa ako dito?
Guards in Chorus: Kung kayo’y tapos na ay dadalhin na naming kayo ka Prinsipe Nico.
Trono ng Prinsipe…
Fortune Teller(Levi): Kamahalan, narito na po si Prinsesa Nica.
(Mula sa pagkakatalikod ay haharap ang prinsipe. Mabibighani sa prinsesa. Magpupugay ang dalawa sa bawat isa.)
Fortune Teller(Levi): (pabulong na magsasalita) Ang ganda ‘no Kamahalan?
(Nakangiti lang ang prinsipe sa prinsesa)
Levi: Tulak ng bibig- Kabig ng Dibdib ‘no Kamahalan?
(Naiiritang lilingunin ng Prinsipe)
Prince: Pag hindi ka tumahimik, ikaw ang itutulak ko.
(Lalapitan ng Prinsipe ang Prinsesa)
Prince: Kamusta? (Hindi sasagot ang prinsesa at iiwas ng tingin) Alam kong ayaw mo dito.
Princess: Kung ganoon ibabalik mo na ako sa White Castle?
Prince: Hindi. Pero pwede kang tumakas. (Magtitinginan) Dalhin na sya sa kanyang silid.
(Dadalhing ng mga guards ang prinsesa sa silid niya.)
Levi: Bakit niyo sinabi yun?
Prince: Alam kong ginagawa ko.
SCENE 4
LUMIPAS ANG MGA ARAW…
Princess: Fairies… Fairies…( Biglang lalabas ang mga fairies..)
Mariel: What’s the call, your highness?
Princess: Tulungan niyo ako. Tatakas ako. Makikipagkita ako kay Heneral Miko.
Fairies in Chorus: HUWAT??!!
Princess: Sige na…tatakas ako.Ipaglalaban ko ang pag-ibig ko.
Ann: Eh wala nga sa script yan e..Ang kulit naman.
Princess: Hindi ako masaya sa kanya.
Angelica: Dahil ayaw mo siyang bigyan ng chance…You know? Chaaannncccee..
Mariel: Naku! Pabayaan natin siya. Sige! Gora! Kami na ang bahala dito.
Princess: Salamat.
(Kurtina ng White Castle w/c is blue…mahuhuli ng prinsesa si Heneral Miko at Kalaguyo)
SONG(Miko): TUKSO (Eva Eugenio)
SONG(Kalaguyo): AKIN KA NA LANG(Itchy Worms)
Kalaguyo: Pakasalan mo ako. Pangako, mamamahalin kita.
Miko: Pumapayag na ako.
(Umiiyak paalis at palayo ang prinsesa. Babalik sa The Black)
Princess: Maga taksil! Manloloko. Kakalimutan ko na siya.
SONG: Hush Hush;I Will Survive (Pussy Cat Dolls)
Tok…Tok…Tok…
(Exit ang kinikilig na mga fairies sa pagpasok ni Prinsipe Nico.)
Prince: Kamusta ang iyong heneral?
Princess (mapapa-isip): Kung gayon ay alam mo ang tungkol sa kanyang pagtataksil?
Prince: Oo… iyon ang dahilan ng suhestiyon kong tumaks ka. Ako rin ang naglaagy ng lagusan patungo sa palasyo niyo.
Princess (galit): Bakit hindi mo sinabi sa akin agad?
Prince: Maniniwala k aba? Isa pa, gusto kong ikaw mismo ang makakita. Tandaan mo… hindi lahat ng minamahal mo kaya kang mahalin pabalik. Subukan mong lumingon. Sigurado akong nasa paligid lang ang nilalang na magmamahal sa’yo ng wagas.
Princess: Kung gayon ay iniibig mo ako? (Mapapangiti ang prinsesa…matatahimik ang prinsipe..) Kailan? Paano? Bakit?
SONG(prince): Out my League (Stephen Speaks. Up to chorus)
Prince: Hindi ko ipipilit sayo ang sarili ko. Pero maghihintay ako. Hindi ko din talaga gusto ang ideyang ito. Pero para bang nahulog na lang ang loob ko sayo ng una tayong magkita.
Princess: Baka hindi ko maibalik ang pagmamahal na ibinibigay mo.
Prince: Hayaan mo lang na mahalin kita.
(Ngingiti ang prinsesa)
Prince: Sya nga pala, magkakaroon ng pagdiriwang bukas ng gabi para sa iyong pagdating. Kailangan nating dumalo.
Princess: Dadalo ako.
SCENE 5
Places ng mga witch…
Prince: Ano bang ginagawa natin dito?
Levi: Ito ang sagot sa problema niyo. Gayuma! Para mapa-ibig ang prinsesa. Bili na! (Endorsing)
(Biglang lalabas ang mga witch…)
SONG: Blow (Ke$ha. Chorus only.)
“Back door crack we don’t need a key
We did this for free
No V.I.P sleaze
Make her drink this potion
And we will assure
She will fall…
This potion will make her heart beat for you
You’ll make her heart blow-ooo-oww-oww-oow”
Prince: Tumigil kayo…kung mamahalin niya ako, hahayaan ko siyang maramdaman yun.
Witch Pauline: Naku ha! Your Highness… di na uso ang martir ngayon.
Witch Kristine: Ang mga martir ginagarote.
Witch Abielyn: Ang mga martin dine-dedicate-tan ng nobela.
Witch Romina: At!!! Binabaril sa Luneta ang mga martir.
Prince: Magsitigil nga kayo. Basta hindi ako gagamit niyang gayuma niyong hindi katiwa-tiwala.
SCENE 6
The Ball…
Prince: Hand ka na?
Princess: Oo…( Maglalakad na papunta sa ball)
Prince: Ang kasiyahang ito ay para sayo. Maaari kang magsaya pero tandaan mo…
SONG(prince): Save The Last Dance For Me (Michael Bublé. Sing and dance while walking inside the ball. Complete the Song)
Cenarie: Siya ba ang pinalit mo sa akin?
(Titignan ng prinsesa ang prinsipe)
Prinsipe: Wag kang gumawa ng eskandalo dito.
(Hindi papansin ni Cenarie at babaling sa prinsesa)
Cenarie: Alam mo bang dahil sayo nasira ang mga balak naming?
Prinsipe: Ikaw lang ang nagplano nun. Alam mong sa una pa lang hindi na kita gusto.
Cenarie: Matututunan mo rin akong mahalin.
Princess: Hindi mo dapat pinipilit ang isang tao na mahalin ka.
Cenarie: At anong tawag mo sa ginagawa niya (babaling sa prinsipe) sayo?
Princess: Hindi naman niya ako pinipilit. Isa pa….gusto ko siya.
LAHAT: Yiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii
Princess: Ene be…weg nge keyeng genyen….
Cenerie: kung ganoon hinahamon kita.
BALLROOM DANCE(El tango de Roxanne)
(Ichi-cheer ang prinsesa. Galit na aalis si Cenarie)
Place ng mga witch…
Romina: Ohh… Ce….narie. Watcha doin’ here?
Cenarie: Igawa niyo ako ng gayuma.
Pauline: Para kanino?
Cenarie: Para sa prinsipe.
Abielyn: Whhaaattt!!!??? Tagilid tayo dyan ‘te.
Cenarie: Magbabayad ako ng malaki. (Ibabato ang mala-holoow blocks nag into)
Kristine: Wagas talaga yung malaki eh no?
Cenarie: Hindi ako magpapakamartir sa kanya. Ayoko naming mabaril sa Luneta ‘no. Ano? Gagawin niyo ba?
Pauline: Gora!
Romina: Ayokong gawin ‘to.(Pero tuloy sa paghalo ng potion)
Abielyn: Wala tayong magagawa. Nasa script ‘to. (Sasandok sa potion, ilalagay sa bote at i-aabot kay Kristine.)
Kristine:Oh ayan na… Ngunit tandaan mo..mawawala ang bias niyan sa boses ng tunay ng pag-ibig. The voice that will enlighten the love of darkness.
SCENE 7
Sa The Black…
Prince: Patawarin mo ako kung nasira ang kasiyahan.
Princess: Ayos lang.
Prince: Kung gayon aalis na ako para makapag-pahinga ka.
(Tatango lang ang prinsesa.)
Kinabukasan…
(Hahatiin ang stage sa kwartong princess at trono ng prinsipe)
TRONO
Prince: Anong ginagawa mo dito?
Cenarie: Gusto kong humingi ng tawad sa inasal ko kagabi.
(Titignan ng prinsipe ang sincerity)
Prince: Pinapatawad na kita.
Cenarie: Maaari namang ibalik ang pagkakaibigan ‘di ba? (Ngingiti.)
Prinsipe: Oo naman!
KWARTO
Mariel: Prinsesa!!!
Princess: Oh bakit?
Ann: Dali ginagayuma na ang prince charming mo.
Princess: Ano? Paano? Saan?
TRONO
Cenarie: Naaalala mo yung paborito nating alak na iniinom? Nagdala ako. Ayo slang ba kung iinumin natin?
Prinsipe: Sige. Tanda ng muling pagkakaibigan.
(Magsasalin sa baso si Cenarie at palihim na ilalagay ang gayuma.)
KWARTO:
Angelica: Wag ka ng madaming tanong. Tara na!
(Tatakbo palabas ng kwarto at pupunta sa kinaroroonan nila Cenarie)
TRONO
Princess: WAG!!!!
(Tapos ng inumin. Tatawa si Cenarie)
Cenarie: Huli ka nang dating, prinsesa.
Princess: Nico…
Cenarie: Sabihin mo sa amin ngayon mahal na prinsipe kung sino ang mahal mo..
Prince: Ikaw ang mahal ko. (Nakatingin kay Cenarie) Teka, sino ba siya?
Cenarie: Hindi ko din siya kilala. Ang mabuti pa ay umalis na tayo dito.(Akmang paalis)
Princess: Ako? Ako yung prinsesang ayaw pumunta sa palasyong ito. Ako yung sinabihan ng isang prinsipe na hindi lahat ng mahal k, mamahalin ako. Sinabi niyang lumingon ako. Nico, lumingon naman ako ah. At kahit gaano sila kadami sa paglingon ko… ikaw lang ang tinignan ko. Bakit ba tuwing nagmamahal ako lagi silang kinukuha sa akin? At kung tatanungin mo ako kung bakit minahal kita…
SONG: Out of League (Stephen Speaks up to chorus and crying)
(Matatauhan ang prinsipe. Bibitawan si Cenarie. Lalapitan ang prinsesa.)
Cenarie: Hindi! Hindi maaari!
(Kakadating lang ng Fortune Teller at mga Guards)
Levi: Hulihin siya.
(Huhulihin ng mga gwardiya si Cenarie)
Prince: Mahal kita.
Princess: Mas mahal kita.
SONG:
****RHYTHM OF LOVE****